DON IGNACIO Nakita na namin si Jhonny. Imbes na sina Donya Salume at Aquilina ang kasama niya, ang wala nang buhay na katawan ni Mercado ang naabutan namin. "Ano 'to?" tanong ko sa kaniya. Hindi ito nakaimik, iniyuko lamang ang kaniyang ulo. "Mamaya mo na siya tanungin tungkol dito, hanapin muna natin sina Aquilina," sabat ni Basilio. Sumang-ayon ako tapos pansamantalang isinawalang-bahala ang pagkainis kay Jhonny. Tinawag namin ang ngalan ng mag-ina, tumakbo sa malawak na lantad na puno ng talahib. "Dito ako, doon ka naman sa kabila, Basilio. Jhonny, diretsuhin mo ang parte na iyon," utos ko. Naghiwa-hiwalay kami. Habang lumalalim ang gabi ay siya ring paglalim ng aking pag-aalala. Kung kanina ko pa sana pinakinggan ang alok ni Basilio na sundan na si Jhonny ay di sana naabutan pa nam

