Malalim na ang gabi ganoon din ang latay sa katawan ng dalawang magkaibigan. Ang kanilang hikbi't palahaw sa bawat hagupit ng latigo ay hindi sapat upang ibsan ang sakit na nadarama. Ngunit sa kabila ng paghihirap, ang kaunting impormasyong nakatago sa likod ng kanilang dila ay patuloy nilang poprotektahan dahil iyon ang kanilang ipinangako kay Aquilina. Tiniis nila ang pambubugbog, ang mahigpit na sabunot. Bagamat saulado na nila ang nag-iisang tanong na ibinabato sa kanila, patuloy nilang ipinagkakait ang sagot. Dalawang oras silang ginisa, sinaktan, nagtiis. At noong sila'y lubayan, pagod man ang katawan ay nagawa nilang maging masaya dahil napagtagumpayan nila ang malaking pagsubok at nanatiling matapat sa kanilang salita. Akala nila tapos na ang pag-uusig at makapagpapahinga na, hi

