KAPITOLO 76.5

2192 Words

EUFRECINA Makulimlim ang kalangitan, malamig ang simoy ng hangin noong makarating sa akin ang balita tungkol sa matagal ko nang karibal na si Eutequia. Hindi ko maialis ang tingin ko sa pangalan ni Dante na siyang itinuturong salarin sa pagkamatay nito. Labis akong hindi makapaniwala. Inaasahan kong mamamatay si Eutequia dahil hindi lingid sa aking kaalaman na mayroon siyang karamdamang iniinda, ngunit ang kitilin siya ni Dante? At iyon ang maging sanhi ng kaniyang kamatayan ay isang bagay na hindi ko matanggap. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa, paano niya nagawang tapusin ang buhay nito. Ano ang dahilan? "Ina, kumain na po kayo." Natigilan ako sa pag-iisip at binalingan ng tingin ang aking bunsong anak. Nakita niya na hawak-hawak ko pa rin ang dyaryo na ibinigay sa kaniya ng ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD