DANTE "Wala na bang ibang paraan, dad?" tanong ni Basilio. Iyon na ang pangatlong beses. Sinilip ko siya sa salamin sa harapan, malayo ang tingin nito. "Pasensya ka na anak ngunit hindi na mababago ang desisyon ni Don Crisanto," tugon ko. "Tss. Bakit siya ang magdedesisyon para sa iyo? Ayaw mo naman na, hindi ba? Dapat invalid na ang usapan ninyo dahil nais mo nang bumitaw." "Tama naman ang sinabi ng iyong anak. Kung ayaw mo na at hindi pumapayag si Don Crisanto aba nasa sa kanya ang problema. Wala naman kayong kasunduan na pinirmahan hindi ba? Dahil kung meron, mahirap nga kapag hindi nagkasundo ang magkabilang panig," gatong ni Eutequia. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila na tinatakot ako ni Crisanto tungkol sa pagkakaroon ko ng isa pang anak. Wala akong matandaan, at hindi ako nan