"Luhod. Hindi ko inaasahan na darating ang araw na susuwayin mo ako, Badeth. Isa ka sa mga pinakainaasahan ko pagdating sa kapakanan ng mansyon na ito at ng aking anak, ngunit mukhang nais mo nang lumaya mula sa akin at magpakalayo-layo kaya mas pinili mong wag sabihin sa akin ang iyong nalalaman at magsawalang-kibo sa mga nangyayari, tama ba ako?" tanong ni Donya Salume sa kanyang katulong habang ibinabalandra ang mamahalin nitong abaniko. Kasalukuyan niyang pinapahirapan si Badeth na siyang nag-aalaga kay Aquilina. "Patawarin niyo po ako, Donya Salume. Nais ko lamang na maging masaya ang inyong anak. Ngayon lamang humiling ng pabor ang batang iyon sa akin at sa kasabikan, hindi ko matanggihan ang kanyang nais," depensa nito habang tinitiis ang sakit na dulot ng pagkakaluhod ng kanyang