AQUILINA "Malandi! Akala mo hindi ko malalaman na nakipagkita sa iyo si Basilio?! Akala mo hindi iyon makakarating sa magulang niya?! Dahil sa iyo kaya mayroon siyang latay ngayon! Bakit ba hindi mo na lang siya layuan! Bakit ba lagi mong inaagaw ang lahat sa akin!" Nasa likod kami ng paaralan ni Criscentia. Maaga akong lumabas sa silid-aralan sapagkat natapos ko kaagad ang pagsusulit na ibinigay sa amin ng aming guro. Hindi ko inaasahan na susundan niya ako at aayaing pumunta rito upang buhusan ako ng tubig at sigawan. "Tapos ka na ba sa iyong pag-aamok, Criscentia? Kung oo, ako naman." Pagkatapos kong sabihin iyon sinampal ko siya. Pasalamat siya't wala akong tubig upang maibuhos din sa kanya, kaya heto na lang ang isusukli ko. "Bakit ba ako lagi ang pinagsasabihan mo? Hindi ko kasal