Gaya ng batingaw, umalingaw-ngaw sa malaking bahay ang matinis na sigaw ni Criscentia. Nasa kalagitnaan ng tulog ang lahat, masyado na ring malalim ang gabi noong sila'y nakabalik sa kanilang mansyon. Hindi na napigilang ilabas ng paslit ang kanyang galit dahil sa ginawa sa kanya nina Basilio at Aquilina. Punong-puno ng inggit at puot ang tono ng kanyang boses, sinabayan pa ang pag-agos ng kanyang luha. "Gumawa ka ng paraan, dad! Ayaw kong makita ang Aquilina na iyon! Lagi na lang siya ang napapansin ng lahat! Lagi na lang siya ang bida! Pati si Basilio nahuhumaling na sa kanya! Akin lang si Basilio, hindi ba?!" Sumalampak na rin sa sahig ang mag-asawa, hindi nila alam kung paano patatahanin ang kanilang prinsesa. "Wag kang mag-alala, sinabi naman ni Don Dante na pagsasabihan niya ang