Kabanata 51: HINDI PAKAKAWALAN

1149 Words

NAGDADALAWANG ISIP SI Noah na tanungin ang kaniyang ama patungkol sa kanila ni Josie. Ang gusto niya sanang itanong ay kung maaring daluhan siya nitong mamanhikan. Subalit iba naman ang namutawi sa kaniyang bibig. “Baluarte ho ba ni Gambino ang pupuntahan nating lugar sa Japan?” tanong ni Noah. Gusto niyang tanungin ang ama ngunit siya’y may pagaagam-agam. “Baluarte ng kalaban ni Gambino. Ang mga Okumura at Yoshida. Kalaban niya sa negosyo.” “Hindi naman mapapahamak si Josie kung isasama natin siya. Hindi ba, Papa?” “Ligtas si Josie sa mga kamay ko. Sa haba ng panahon walang pang gumalaw sa kaniya. Sadyang nababahala lamang ng husto si Emma.” “Kung ligtas si Josie sainyo. Papa, bakit kayo natatakot sa kaligtasan ko?” “Sana’y kaya kong ipaliwanag sa’yo ang lahat, anak,” ani Norberto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD