INARKO NI JOSIE ang kilay at hinarap ang ina. Hinawakan ang kamay nito tinapik-tapik iyon at niyakap. “Nay, alam ko pong pinipilit ninyong paniwalain akong maayos lang kayo. Subalit ramdam ko ang araw araw na pagdadalamhati n’yo. Nay, mahal na mahal mo ang kuya kahit hindi mo siya tunay na anak. Kapareho lang ng ginawa mong pagaaruga sa anak ni Papa ang ginagawa ko kay Ethan. Mahal ko si Noah. Naranasan at pinagdaanan n’yo rin ang pakiramdam na umibig ng lubusan. Hayaan n’yo na ako. Pagkatiwalaan mo ako, nanay.” Naluha si Emma sa katotohanang kumurot sa kaniyang puso. Mahal niya ang anak na lalaki ngunit pinili nitong mawalay sa kaniya upang mailigtas ang kapatid sa kapahamakan. Napakabuti ng kalooban nito taliwas sa mga tunay na magulang. “Saan na kaya napadpad ang kuya mo, Josie?” “