GUSTO NI NOAH maranasan iyong pakiramdan na naghahatid rin ng nobya sa eskuwela. Hindi niya iyon naranasan noong haiskul o kolehiyo siya. Abala siya sa pag-aaral at pagtulong maghanap buhay. Hindi ni Noah matiis na maghapong naglalabada ang kaniyang Imang. Tumango-tango si Ethan sa ama. “Aatid, Mama!” sigaw nito. Matapos ay nakipag-apir kay Noah. “Talo na ‘ko. Nagsanib puwersa na kayong mag-ama,” ani Josie. “Ako na magdadala niyang gamit mo, mahal ko.” Inabot ni Josie kay Noah ang ilang pirasong kumpol ng mga papel. “Ang dami naman nito,” ani Noah. “Masipag magpagawa ng proyekto ang propesor namin. Hindi ba’t ganoon rin kayo?” Ngumiti si Noah. Naalala niya noong nagaaral pa siya. Ilang proyekto rin ang kaniyang ginagawa. Binebenta niya ang iba para may pangdagdag siyang panggasto sa