LUMIPAS ANG ISANG taon. Lihim na nagtatrabaho si Noah sa SamTel habang patuloy ito sa pagperpekto sa larong Astoria na ilalabas naman sa merkado ng NBI. Kasabay nito ang nalalapit na pag-labas ng SamTel sa Ominous Solstice. Ipinasok ni Noah si Ethan sa Lindbergh Pre-school. Nagustohan naman ng anak niya ang pagpasok sa eskuwela. Hinahatid niya ito bago pumasok sa trabaho at sinusundo matapos ang trabaho. Naging mas malapit ang mag-ama sa isa’t isa. Samantala, lumipas na ang isang taon wala pa rin balita kay Josette. Maging si Manolito ay tila naglaho na lamang parang bula. Nanatili naman si Jewelle sa mansion ng Echeverria. Nagpasya si Noah na umalis na lamang sa bahay ng kaniyang ama. Pumayag naman si Norberto sa kondisyong isasama nito si Elias sa lilipatang bahay. Labag man sa kalooba