SUMAPIT ANG ARAW ng pagpupulong. Hindi naman pumayag si Josie na maiwan sa akademya. Pinilit nito ang kapatid isama sila ni Ethan sa Osaka. Napilitang ikinuha ng kuwartong matutuluyan ni Josie at Ethan si Manolito. Naglagay siya ng dalawang bantay sa pintuan ng kuwarto nito. Maging sa terasa ay mayro’n bantay. Kilala niya ang kapatid magaling itong mag-ispiya. Sa hotel kung saan gaganapin ang pagpupulong ng iba-ibang negosyante sa mundo ay nakahanda ang lahat. Nakahanda na ang mga babaeng ibebenta ni Gambino na pinamamahalaan ni Leandro. Nakahanda na rin ang mga tableta ng Zuriana. Pinanakaw ni Donato ang pormula ng drogang iyon subalit sawi siay sa binalak. Kinalauanan ay nanapapayag niya ang Señorita na ipagkatiwala sa kaniya ang produksyon. Maaring magkagulo sa oras na hindi magkasun