NAGKASALISI SI NOAH at Emma. Dala-dala ni Emma si Ethan papunta sa restawran ng otel. Doon niya sana pakakainin si Ethan subalit naisip ni Emma na baka magkagulo. Isa na naman iyong nakakatraumang karanasan paraa sa bata. Habang papalabas ng otel, nakita niya ang pagpasok ng mga nakasibilyan ahente ng ahensyang kinabibilangan ni North. Pamilyar na ang mga mukha nito sa kaniya dahil sa paulit-ulit na proseso ng pagdakip ng mga salarin. ‘Esmeralda. Esmeralda ang pakilala ni Emma sa lahat ng kasapi sa organisasyon. Siya si Senyora. Ang totoong ‘senyora’ at hindi si Serafina. Dahil iniwan ni Emma ang kaniyang tungkulin sa Red Phoenix upang pagtuonan pansin ang anak. Kinuha ang pagkakataon na ‘yon ni Serafina upang magreyna-reynahan. Malalim ang iniisip ni Emma ng mapagtantong kanina pa sila