NANGHINA ANG KALAMNAN ni Noah sa isiniwalat na katotohanan ng kaniyang ama. Kaya pala iba ang pagkikitungo ni Leandro sa kaniya at kay Ethan. Iba kaysa kay Paloma at Manolito. Hindi lubos maunawaan ni Noah ang rebelasyong nanggaling kay Norberto. Kaya pala may nararamdaman siyang inggit kay Leandro pero hindi niya iyon hinayaang makasira sa kanilang pagkakaibigan. Minsang nasangkot sila sa gulo inuna pa ni Leandro na sagapin siya bagkus iligtas ang sarili. Iyon ang huling riot na kaniyang nakasangkutan—nilang magkakaibigan. Marahil siya na ang pinuno ng grupo ng mga panahong iyon. “Echeverria si Leandro at alam n’ya iyon mula pagkabata,”wika ni Norberto. “Alam ni Leandro mula pagkabata? Ang ibig mong sabihin alam ni Leandro kung sino ako?”galit na sagot ni Noah sa ama. “Patawad. Oo anak