Makati, Philippines NAGTUNGO SI NOAH sa Samañiego Telecoms sa Makati lulan ng taxi. May kamahalan ang kaniyang pasahe subalit kailangan niyang makarating roon na hindi nagugusot ang kaniyang kasuotan.Humiram pa siya ng Amerikana sa kaibigang si Leandro para propesyonal ang kaniyang itsura. Ang mismong may-ari ng SamTel ang makakapanayam niya sa nakatakdang pagpupulong niya sa kumpanya nito. Makailang ulit rin siyang nakiusap sa sekretarya nito para makapanayam si Dixson Samañiego ang CEO ng SamTel. Halos ilang buwan na rin siyang nagpabalik-balik roon ngunit bigo siya sa tuwina. Hanggang sa nakatanggap siya ng telegrama sa kumpaniya. Hindi na palalampasin pa ni Noah ang pagkakataon na ‘yon. Alam niyang ang pakikipanayam sa pinuno ng kumpanya ang magdadala sa kaniya ng ninanais na tagump