Kabanata 19: PAMILYA

1151 Words

MAHIMBING ANG TULOG ng Lola Selma niya ng pumasok si Noah sa kuwarto nito. Naupo siya sa tabi ng kaniyang Imang at pinagmasdan ito. Mabagal ang paghinga nito na tila nahihirapan. Nakikita niya ang pagtaas baba ng balikat nito. Mag-aanim na buwan na may malubhang sakit ang kaniyang Imang. Nagkakomplikasyon ito sa puso dahil sa altapresyon. Idagdag pa ang sakit nito sa dyabetis. Walumpung taon na ang kaniyang Imang. Matanda na ito at nanghihina na ngunit pilit na lumalaban. Kapagkuwan hinawakan niya ang kulubot nitong mga kamay. Hinaplos-haplos iyon at hinalikan. “Mahal na mahal kita, Imang. Bakit mo nilihim ang tungkol sa kaniya? Ano’ng dahilan?” pabulong niyang tanong rito. Hawak ang mga kamay nito na kahit minsan ay hindi siya sinaktan. Mga kamay na nagaruga sa kaniya ng dalawampu’t isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD