CHAPTER 11 Lilianna Felix’s POV Pagkasabi ko ng mga salitang ‘yun, naglakad ako papalayo baka kung ano pa ang lalabas sa bibig ko dahil nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Spencer sakin pero nilakasan ko ang loob kong hindi matakot. Ang lakas ng loob niyang pagsabihan ako ng ganung salita? Porket binili niya ako ay aapakan niya lang ang dignidad ko bilang babae. Hindi ako makakapayag, siguraduhin niyang totoo ang lalabas sa bunganga niya para hindi ako mag react ng ganito dahil papatulan ko talaga siya kahit ano pa siyang klaseng tao. Narinig kong tinatawag ako ni Kuya Denzer pero hindi ako lumingon dahil kung lilingon ako, makikita ko lang ang nagbabagang mata ni Spencer na parang ihahatid niya na ako sa impyerno. “Lilianna, maghanap ka ng kahoy sa para sa bonfire mamaya.” Napahint