Kabanata 50 BUMABA sila sa mismong palengke. Kahit na hawak ni Chaos ang kamay ni Amary ay ang bilis nitong maglakad, hila-hila siya. He was wondering. Bakit sa palengke sila naroon. Hindi ba at kukuha sila ng mga damit ng Inay ng asawa niya? He was wondering but he didn't ask. He just kept on following his wife. Kahit saan ito pumunta ay susundan niya, kahit pa siguro sa imburnal. Baliw na nga siya talaga. May binibilang ito tapos nang parang makumpirma ay hinawi nito ang mga trapal. Nakita niya ang isang mesa na gawa sa tiles, may sapin na tela at may isang gula-gulanit na unan. Sa ibaba ay may apakan na kahoy, para siguro makaakyat sa mesa ang taong nakatira roon. Malinaw na sa kanya na tirahan iyon. Doon nakatira si Gertrude. Napalunok siya. Pwede pala na tumira sa palengke ang tao

