Kabanata 6
THE makeover is over. Anong oras na? Magtatanghali pa siya umalis sa bahay at dito na nga siya nananghalian sa salon. Unang ipinaayos ang kanyang buhok at mga kuko. At dahil wala naman daw kailangan na baguhin sa mukha niya at kutis, facial scrub lang ang ginawa sa kanya. Pakiramdam niya ay numipis ang kanyang dating makapal na mukha. Binawasan ang kanyang kilay, nilagyan ng korte.
Inalisan siya ng mga kalyo sa paa tapos ay nilagyan siya ng mga kuko na peke. Hindi iyon natatanggal kahit pasimple niyang sinubukan na tanggalin. Ang mga kuko niya sa kamay ay pwede na niyang gawing sandata kapag may umaway sa kanya. Pero nagagandahan siya sa itsura niya ngayon. Her hair has big curly now. Parang siya ay pupunta sa mga party.
Ngayon ay naghihintay siya ng damit na ipasusuot ni Mamu sa kanya. Nasa loob siya ng dressing room, naghihintay na abutan ng damit.
"Here na!" Aniyon kaya inilabas niya ang kamay niya sa makapal na kurtina.
Nahawakan niya ang isang magaspang na madulas na tela kaya agad niyang tiningnan. Kakapiraso iyon kaya agad niyang binulatlat. Isa iyong diretsong short na may pang-itaas.
"P-Parang lalabas ang bra ko rito, Mamu," aniya sa bakla.
"Remove it."
"Ha? E, 'di wala akong bra?"
"May kasama 'yang foam. It doesn't matter. Hindi naman mababakat ang n*****s mo d'yan. Itim 'yan."
Kumamot siya sa ulo pero wala namang nagawa. Sinunod na lang niya ang sinabi ng stylist. Nang masuot niya ang damit ay sinipat niya ang sarili.
Ang ganda kahit napakaikli no'n at parang nakatakip lang sa pwetan niya. Lumalabas din nang kaunti ang dibdib niya kaya itinataas niya ang strap.
"Tapos na?" Tanong ni Mamu sa kanya kaya lumabas siya, hawak ang bra niyang tiniklop niya sa maliit.
"Perfect!" Bungisngis ng bakla at inayos ang buhok niya, "Kanina ay mukha kang tagapunas ng sapatos ng asawa mo. Pardon. Ngayon, ka-level mo na ang mga ex!" Anito at siyang-siya na pinagmamasdan siya.
Napangiti na lang siya sa simpleng insulto na iyon. Wala naman siyang dapat na ikainis kasi totoo naman iyon. Alam din naman niya na ang itsura niya ay dugyot. Kahit nga siya ay muntik na hindi makilala ang kanyang sarili, kung hindi lang niya naaninag ang munting nunal niya sa may ilalim ng kaliwang mata.
Kung gusto raw ba niya iyong ipatanggal, sabi kanina noong pinagpi-facial siya. Ayaw niya. Namana niya iyon sa kanyang ina. May kaisa-isang litrato siyang nakatago ng Mama niya. Hindi niya alam kung paano niya iyon nadala nang lumayas siya. Malamang na sa murang edad ay naisip na niyang kailangan niya ng alaala ng nanay niya.
"Sapatos!" Palakpak ni Mamu kaya lumapit ang isang assistant.
Nakapatong sa isang cushion ang pares ng de takong na sandals na hawak ng assistant na si Myrna. Pakiramdam ni Amary ay namutla siya sa pagkakakita sa takong. Ang tulis no'n at ang taas. Makalalakad kaya siya kapag isinuot niya iyon?
"Ipinahakot ko na kay Norm ang mga damit at iba mo pang gamit. Ang ilang bags ay ino-order ko pa."
Bag? Mukhang mamahalin ang mga bag na iyon. Maibenta kaya niya kapag nagpa-annul na sila?
Hah! Asa pa siya. Sa pagkakuripot ni Chaos, malabo na ni strap no'n ay madala niya. Kailangan siguro niyang pakabait sa mister niya baka siya mabalatuhan ng bag ng LV bag.
"Saan ka ba napulot ng asawa mo at kailangan mo ng makeover na ganito?" Pabiro pa na tanong ni Mamu.
Lumuhod sa harap niya si Myrna at isinuot ang mga sandals sa kanya. Hindi niya alam kung sandals iyon o sapatos pa. Sarado kasi ang sa may unahan pero butas sa may gitna tapos may isang strap lang sa may gawing itaas.
Hinawakan siya ni Mamu sa braso dahil bumabalanse siya.
"Pero napakaganda mong bata. No offense, ha. Wala naman akong gustong sabihin na kung ano sa pagpuna ko sa malaking pagbabago mo."
"Okay lang. Alam ko naman din sa sarili ko," sport na sagot niya rito. Wala naman talaga sa kanya iyon.
What is she expecting from a woman who lives in a remote and untidy place? Halos magkapalit na nga sila ng mga mukha sa sobrang pagkakadikit-dikit ng mga bahay nila sa iskwater. Sa oras na magkaroon ng sunog, malamang ay lahat ng naroon matutusta. Walang pagitan ang mga bahay nila. Iyong sa kanilang tatlo nina Picolo ay kabilaan eskinita kaya mapalad pa sila na hindi nakadikit ang bahay sa kabitbahay. Iyon lang, ang eskinita ay kasya lang naman ang tao.
"Iyong ibang damit, dadalhin na lang bukas sa Forbes. Nasa stockroom kasi. Mga damit pambahay mo naman 'yon."
"B-Bakit po kailangan na nakasapatos pa ako? Uuwi na rin naman kami."
"Ganyan ang mga rich people. Baka nakakalimutan mo na si Chaos Castelloverde ang iyong asawa. Hindi natural na ang damit mo ay basta lang kahit nasa bahay. That man wears thousands of worth of a shirt, even at home. Ang kanyang Papa ay ganoon din."
"I-Itong suot ko ba, magkano?" Naisip niyang itanong saka sinilip ang dibdib niya.
Lumalabas na naman iyon kaya itinaas niya pero hinila ulit ng bakla.
"Don't. Ganyan talaga 'yan. Hayaan mo 'yan na lumabas dahil may ipagmamalaki naman," ngumisi ito at inayos ang staps ng damit, "This is three thousand five hundred pesos."
"Ano?!" Ang lakas na tanong niya kay Mamu. Para itong nagulat dahil napahawak sa dibdib.
"Ano?" Ginandahan nito ang pagkakatanong, iyong medyo pahinhin at may tono ang dulo, "Ganoon dapat, hindi iyong parang jujombagin mo ako kaagad sa tono pa lang ng ano mo."
Natawa siya.
"Kaloka ka naman. O siya, since alas otso na ng gabi, humayo ka na."
"A-Ang bayad, Mamu?"
"No worries. Your husband will take care of everything. Dahan-dahan ang lakad. Bye!"
"Bye," aniya at saka humakbang pero para siyang matutumba, hanggang sa hawakan siya ni Jocel, ang talagang nag-a-assist da kanya kanina pa mula nang siya ay dumating.
Kalbaryo, iyon ang nararamdaman ni Amary sa mga sandaling siya ay humakbang papunta sa elevator. Para siyang nakasaklay sa pakiramdam niya. It was hard for her to take even a single step.
Nang siya ay makalabas sa boutique, parang nakakita si Norman ng multo sa katauhan niya. Nakatanga ang lalaki at nauntog pa sa hood ng SUV.
"Ma'am Shane?" Tanong pa ng lalaki sa kanya.
"Alalayan mo ako, peste ka!" She demanded right away. Agad naman na tumalima ang lalaki na parang natauhan.
"Grabe, ang ganda niyo, Ma'am."
"Alam ko na 'yon," anaman niya sabay irap. Tumawa lang naman ito sa sagot niya.
Hila na lang niya ang mga paa hanggang sa makapunta siya sa sasakyan. She tossed herself inside the car. Pakiramdam ni Amary ay napakabigat pa rin ng ulo niya dahil sa patong-patong na kulay sa buhok ang inilagay sa kanya kanina. Para siyang may sunong na limang kilo sa ulo.
Napakaikli ng kanyang damit, halos makita ang kabuuan ng mga hita niya lalo kapag umuupo, pero wala naman siyang magawa dahil lalabas malamang ang dibdib niya kapag hinila niya pababa iyon.
Halos mapapikit na siya sa byahe papauwi pero natanaw na niya ang bukana ng subdibisyon, at agad siyang napaupo nang tuwid nang mapansin ang dalawang tao na nakaupo malapit sa gate, may bitbit na gamit.
"Sandali, sina Picolo at Tusi 'yan!" Bulalas niya.
"Sila nga, Ma'am."
"B-Bakit nandiyan?"
"Baka hindi pinapasok."
Tumigil sila sa may gwardiya at agad naman na sumalubong ang mga kaibigan niya. Ibinaba naman kaagad ni Norman ang salaming bintana sa may driver.
"Hindi kayo pinapasok?" Tanong nito sa dalawa.
"Hindi e," napakamot na sabi ni Watusi sabay tingin sa kanya tapos napa-second look pa.
"M-Magandang gabi po, Ma'am," naalangan na ngiti ni Watusi sa kanya kaya napakunot noo siya.
"Nasaan na si Amary? Bakit iba na ang nakasakay?" Bulong ni Picolo, "Nakauwi na ba ang kapatid namin?"
"Mga engot! Ako ito!" Bulalas niya sa dalawa kaya sabay na halos lumuwa ang mga mata no'n.
"Bunso?!" Sabay pa ang dalawa na nagsabi.
"Sumakay na nga kayo rito at baka hampasin ko pa kayo ng mamahalin kong bag!" Bungisngis niya.
Agad naman na tumalima ang dalawa tapos ay kinausap ni Norman ang mga gwardiya.
"Sila ang kasama namin na lumabas kanina. Kahit walang imbitasyon galing sa boss, papapasukin niyo dahil kapatid sila ng asawa ni boss Chaos," ani Norman.
"Ganoon po ba, sir Norman? Pasensya na po at hindi pa kami naabisuhan. Hindi namin alam na dito sila uuwi," anaman ng gwardiya.
"Ngayon ay alam niyo na."
Muling pinausad ni Norman ang sasakyan papasok sa subdivision.
"Grabe, ikaw ba talaga 'yan bunso? Aba, akalain mong may itinatago kang ganyan!" Humalakhak si Picolo dahil alam niyang kantiyaw iyon sa kanya tapos ay ginulo ng dalawa ang buhok niya.
"Aray naman!" Tumatawa na sigaw niya kaya natatawa rin si Norman sa kanila.
"Bakit ang ganda mo pala, bunso?" Tanong ni Watusi, "Hindi ka na si Mada'am Lauring ngayon. Ang layo mo sa dati. Para kang naretoke!"
"Ewan ko sa inyo! Tigil-tigilan niyo nga ako. Ang bigat-bigat kaya ng ulo ko dahil sa pangkulay sa buhok tapos para akong kinabitan ng octopus sa ulo ko kanina, aba noong tanggalin ay kulot na."
"Sulit na sulit naman ang resulta. Yayamanin ka na talaga. Kapani-paniwala ka ng asawa ni boss Chaos!" Bulalas pa ni Picolo sabay sipat ulit sa kanya, "Susko, baka ikaw ay makidnap na sa iskwater kapag ganyan ka pumunta roon. Bawal ka na doon."
"Anong bawal?" Ang sama ng tingin niya rito.
"Mapagdidiskitahan ka na doon ng mga manyak."
"Hindi ako magdadamit ng ganito roon. Kailangan ko lang daw ito para rito sa Forbes at kapag dumating ang pamilya ni boss Chaos. Kanina pa ba kayo nando'n sa labas?"
"Kanina pa," sagot ni Watusi, "Tumawag naman dito kaya lang ay nasa loob daw ng office si Boss Chaos at kapag ganoon daw ay hindi pwede na istorbohin sabi ng katulong."
"Sobra naman. Segundo lang ang mawawala?"
"E, wala tayong magagawa, bunso. Boss 'yon e."
Napabuntong hininga na lang si Amary. Pumasok ang sasakyan sa gate at tumigil sa garahe.
Saktong-sakto naman na bumaba sila ay lumabas si Chaos sa main door.
"Hawakan niyo ako," utos niya sa dalawang kaibigan. Ganoon nga ang ginawa ng mga ito saka siya inakay papunta sa pintuan.
"Magandang gabi po, Boss Chaos!" Bati ni Picolo sa lalaki pero siya ay walang pakialam.
Humahakbang siya at naninimbang dahil para siyang tutumba. She was waiting for her to reach the door so she could remove the shoes.
"Naghihintay kayo sa labas ng subdibisyon?" Tanong ng asawa niya.
"Oo, at kanina pa sila roon dahil bawal ka pala na maistorbo. Parang hindi naman makatao 'yon. Ilang segundo lang naman ang kailangan para sana makapasok sila," sabi niya.
"At nagsalita ang makatao," Chaos replied.
"Kami, mahirap at kailangan na mabuhay. Ikaw, mayaman st hindi mababawasan ang pera mo sa iilang segundo na tatanungin ka ng katulong kung pwede mo silang papasukin o hindi," giit niya.
Kahit na wala siyang karapatan na pagsalitaan ito ng kahit na ano, magsasalita pa rin siya.
"Alam kong mandurukot kami at hindi iyon makatao pero kung naging tulad mo ako, hindi namin magagawa 'yon, palagay ko ay magiging makatao ako. Hawakan mo ako!" Aniya pa sa naiinis na tono.
Agad itong napakunot-noo kaya nilayasan na lang niya. Pumasok siya sa loob ng bahay, bitbit ang mga pinamili nina Picolo, na kaagad naman na kinuha ng kasambahay.
"Ay ang ganda-ganda ni senyorita, parang artista!" Bulalas ni Josefa sa kanya tapos ay titig na titig.
Ngumiti siya kahit paano tapos ay nilingon sina Picolo, "Sandali lang at magbibihis ako."
Nasa may sasakyan ang dalawa at kinukuha ang mga ipinadala ni Mamu.
"Sige lang, bunso. Maghahakot lang kami ng aparador!" Sagot ni Picolo kaya napahagikhik siya.
Madulas ang sahig. Nangangati ang mga kamay niyang tanggalin ang mga sapatos, pero nacha-challenge rin siya na ilakad iyon.
Humawak siya sa pader saka humakbang. Sa una ay hila niya ang mga paa pero nakahakbang siya ng dalawa kaya napangiti siya. She continued walking. Nasisiyahan siya na nakakahakbang na siya. Pakiramdam niya ay nauunat ang likod niya at kusa na umiekis ang mga paa niya.
Wow. It feels amazing. Namamangha si Amary sa ganda ng lakad niya. Ramdam niya ang balakang na kusang gumagalaw hanggang sa bigla siyang mapatili.
"Ayy!" Malakas na tili niya nang tumabingi ang paa niya sa pag-ekis pero may agaran na humawak sa braso niya at inalalayan siya.
When she looked at it, it was Chaos.
"Tomorrow, you'll be trained. Dating mentor ng mga modelo rito ang magtuturo sa iyo, si Frank," anito sa kanya.
"Hindi naman kailangan na de takong ang suot ko rito sa bahay 'di ba? Baka maging apat ang muscles ko sa binti kapag ganoon."
"Not necessarily. It's just needed when we go outside. you can wear flats here," seryosong sagot nito, at kung bakit naman naiilang siya sa pagkakahawak nito sa kanya.
His grip was firm but his hand was soft.
"Sangkatutak na pintas ang inabot ko doon pero ayos lang naman dahil totoo naman ang mga sinasabi nila. Hindi nila alam ay sa iskwater mo ako napulot," natawa siya.
"Don't ever say that. Parehas tayong malilintikan," he said with a warning.
Tumingala siya rito nang nasa may paanan na siya ng hagdan. Doon na niya tinaggal ang sapatos at wala siyang pakialam kung nasa may likod niya si Chaos. Basta siya tumuwad. Nakalimutan niyang hindi jersey ang suot niya. Tapos ay nakabungisngis siyang humarap dito pero nakatingin ito sa pwetan niya.
"Hoy, namboboso ka!" Singhal niya rito pero tumaas lang ang mga kilay nito sa kanya.
"Ikaw ang tumuwad."
"E nakalimutan kong ganito ang suot ko, sinamantala mo naman."
"I've seen so many butts around," sagot nito na parang balewala lang tapos ay namulsa kaya sisima-simangot siya.
"My mother arrived," anito sa kanya. For sure, she'll visit one of these days. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Tanong nito sa kanya.
"Oo, nagbabasa ako ng mga magazine na English kaya naiintindihan ko kahit hindi ako nakatuntong ng hayskul. Kaya lang, baka inglesin ako ng nanay mo, paano?"
"Sasagot ka ng Tagalog. You could say that your ancestors preferred talking in Filipino. As long as you understand her, there'll be no problem. My mother prefers to speak Tagalog, too. Dito rin siya naglagi kaya kahit naka-base siya sa U.S, magaling siyang managalog," Paliwanag nito sa kanya.
Nakahinga si Amary nang maluwag at nakapa ang dibdib, "Hay salamat. Akala ko ay lalabas ako sa mansyon mo na wala ng utak. Kakarampot na nga lang mawawala pa sa inglesan portion kapag kaharap ang pamilya mo. Ano ba ang makakain sa kusina? Nagugutom na ako. Hindi na ako kumain doon dahil sayang itong lipstick. May ibinigay nga pala sa akin na kit daw ng make-up. Ano ba 'yon, ibebenta?"
Agad itong parang hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig niya, "Anong ibebenta? Ang nasa isip mo puro na lang benta."
"E, pagkakakitaan kasi. Alam mo naman na 'yon ang raket ko. Kung pwede nga lang kitang ibenta, ginawa ko na," biro niya rito, "Gwapo ka kasi, maraming bibili."
Hinagod niya ito ng tingin at tumiim ang titig nito sa kanya, "Stop that. Of course, gagamitin mo ang make-up kit. Kasama 'yon sa ituturo sa iyo. Kasama ang pag-i-English na hindi tunog lata. You will learn the basic things about everything. Don't worry because as much as possible, I will decline any invitation if I feel that it's unsafe for you to attend. I can always make an excuse."
Tumango siya, "Okay. I trust you with all my heart," aniya sabay talikod, "magbibihis na ako bago pa tumalon ang kaluluwa ko mula sa dibdib ko. Masyadong mapanakit ng kaluluwa itong damit ko, baka ako magahasa nito nang wala sa panahon."
Patuloy ang litanya niya habang pumapanhik sa hagdan, takip ang pwetan niya.