Jasmine Masama na naman ang pakiramdam ko nang gumising ako ng umagang iyon. Halos ayoko na tumayo sa higaan dahil sobrang sakit ng ulo ko. Ang bigat pa ng katawan ko na tila dinaganan ng isang malaking kabayo. Gusto ko na lang humilata at matulog na lang hanggang kailan ko gusto. Pero hindi maaari, hindi ko 'to bahay. Hindi ako pwedeng magbuhay-reyna. Nakaamoy ako ng kakaiba at parang gusto bumaliktad ng sikmura ko. Not again, kailan ba matatapos 'tong maselan kong paglilihi. Sobrang hirap. Napaka-sensitive ng ilong ko. May amoy na nanunuot sa ilong ko, masyado itong matapang at parang mas lalo sumakit ang ulo ko. This is not good. Tumagilid ako sa paghiga at tinakpan ng unan ang ilong ko. Tinalikuran ko ang matapang at mabahong amoy na iyon. Sa ginawa ko ay hindi ko na ito masyado pa

