Jasmine Sa labas nanatili ang tingin ko habang tinatahak namin ang daan pabalik ng San Juan. Wala kaming imikan habang umaandar ang sasakyan. It's fine with me, I don't want to talk to him. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil ginamit niya ako para makaiwas siya sa babaeng iyon. Ipinakilala niya akong fiancee kahit ang totoo naman ay alipin lang niya ako sa kama. Dumagdag pa sa inis ko ang babaeng naiwan sa loob ng restaurant. Ang gutom na nararamdaman ko ay naglaho. Nawalan na ako ng gana. Sa dami ng lugar na makakakrus ko siya ng landas ay doon pa talaga sa restaurant pa mangyayari. Hindi ko pa naman nais makita siya dahil hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila. Nakakababa ng tingin ang mga matatalim niyang titig. Makairap parang wala ng bukas. Ang hilig niya umirap. Hindi ko akalai

