"Mia... Anong nginingiti mo diyan? Mamaya mahuli ka na naman ni Ma'am Irish, malalagot ka na sa kanya talaga." Sabi sa akin ni Ria na gumagawa ng report sa tabi ko. "Bawal na bang ngumiti?" Tanong ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa kong trabaho. "Sus! Ikaw ha?! Feeling ko talaga may tinatago ka eh, 'Yung totoo lang ha? May boyfriend ka na ba? May nanliligaw ba sa'yo o ano?" Tanong pa niya na ikinagulat ko naman. "Sira ka! Paano naman ako magkakaboyfriend, busy nga ako sa trabaho. Wala lang 'to." Sagot ko pa sa kanya. Kumibit balikat na lamang si Ria habang pinagpapatuloy ang kanyang trabaho. Napapangiti lang naman ako dahil naaalala ko lang yung nangyari noong isang araw, kasama ko si Hunter para makipagkita sa mga kaibigan niyang si Allan at Peter. Hindi naman kasi nami