Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 12 "Selos na selos ako tol. Habang nag uusap kayo at nakatingin sa mata ng isa’t isa." wika nito habang pikit at ayaw nya ipakita ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala na ang isang astig, maangas, pasaway, basag ulo at tinaguriang worst student ng aming paaralan ay heto ngayon sa aking tabi at buong tapang na inaamin ang kanyang tunay na nararamdaman. "Nag seselos! At nagagalit!" ang saad pa nito. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nararamdaman noong mga oras na iyon kaya naman isang mahigpit na yakap na lamang sa kanyang likuran ang aking isinukli. "Huwag kana mag selos, mag kaibigan lang kami ni Eugene, hanggang doon lamang iyon." Ngunit hindi naman ito sumagot sa akin. Nanatili lamang siya sa kanyang posisyon na naka tagilid pa