Ang Hari ng Angas AiTenshi December 6, 2014 Part 7 Ngayon ang ika lawang araw ng pananatili ni Shan sa aming bahay. Ayoko pa kasi siyang paalisin dahil ngayong araw ang uwi nila mama at papa galing sa probinsya. Siyempre gusto ko rin namang makilala nya ang aking mga magulang kaya’t wala itong nagawa kundi tumawag na lamang sa kanilang bahay at sabihin na hindi siya agad makaka uwi. Sinabi ko sa kanya na ako na lamang ang kakausap sa mga magulang nya ngunit hindi nito ibinigay sa akin ang telepono dahil baka raw sabihin ko pa na sinaksak at mag alala pa ang kanyang mga magulang. Kung sabagay, talaga namang hindi ito madalas umuuwi sa tahanan nila dahil palagi nyang kasama ang kanyang mga kabrad na tambay doon sa baracks ng mga drug adik. "Ayos lang ba talaga na gamitin k