Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 16 Araw ng Lunes at balik paaralan ang lahat. Halos dalawang linggo na rin pala ang lumipas mag buhat noong mag karoon kami ng hindi pag kakaunawaan ni Shan at matagal tagal ko rin itong hindi nakikita. Pumapasok naman daw ito sabi ng kanyang mga kaibigan marahil ay hindi lang kami nag aabot. "Frend, wala si Ms. Garcia dahil naka leave daw ito. So ang ibig sabihin ay wala tayong klase ngayong umaga kaya tayo na lang sa mall at mayroon daw 50% sale ngayon." ang pag yaya ni Dante habang hinihila ako nito pabalik ng sakayan. Wala naman akong nagawa dahil may kakulitan nga itong si Dante. Hindi naman din kasi titigil ito kaya nag punta na rin kami. "Alam mo frend dapat siguro mag pagupit ka ng buhok o kaya ay mag pa make over para mag karoon ka ng new