Sa inis ni Rennie Grace ay agad niyang tinawagan ang kuya niya. Alam naman nilang darating ang pinsan nila dahil nasabi ng kanilang abuela ang hindi lang nila alam ay kung anong oras. Pero nang nasulyapan niya ito na nasa linya ay napangiti siya pero agad ding napawi dahil lumitaw na naman ang pagkamakatao nito. Well, hindi na nila ito masisi dahil lahat naman sila ay ganoon. Dahil sa ganoong paraan sila sinanay ng mga magulang. Kaso naiinis talaga siya sa pinsan nilang arabo! "Bumalik ka sa pila sa likod kung ayaw mong may kalulugaran ka," dinig na dinig niyang sabi kaya napasulyap siya sa gawi ng linya nito. "Kuya, nandito na sa airport ang kasing lagalag mong pinsan natin. Kung ayaw mong masangkot siya sa gulo ay bilisan mo sunduin mo na siya rito sa airport." Mensahing ipinadala niy