KABANATA 20: PARA lang akong batang pinagagalitan. Tahimik at hindi na makapagsalita. Nangingilid ang mga luha. Hindi ko kasi kayang sabayan ang galit ni Marco. Iyong tipong natatameme ako dahil nakakatakot siyang magalit. Para bang kaya niya akong saktan. Wala akong ideya na ganoon na nag nangyayari kanina. Ganunpaman, hindi ko mahanap ang mas mabigat na dahilan para patayin nito ang sariling tauhan. P'wede namang kausapin o di kaya tanggalin sa trabaho. Kaya lang... iba ang nakalakihan niya. Ibang klase siyang lalaki at dapat ko ng tanggapin 'yon. "Huwag ka ng lumabas. Antayin mo ko matapos sa trabaho ko. If you want to swim again, it's just gonna be me and you again. Nagbago na ang isip ko. Kahit na magbalabal ka pa maligo sa tabing-dagat. Hindi na p'wede and that's an order. Are we