KABANATA 12: MAGAAN ang halik niya sa aking labi. Nanatili akong nakapikit at pansin na ni Marco ang panginginig at maging kaba ko. Lumayo siya ng kaunti at sinilip ang reaksyon ko. “I’ll turn off the lights so you won’t get shy,” he said huskily. Hindi ako nagsalita dahil nahihiya ako magbigay ng anumang reaksyon. Kung tatango ako edi parang sinabi kong pumayag ako eh ayaw ko nga. Minulat ko ang mga mata at yumukong muli. Umalis sa harap ko si Marco at maya-maya pa ay naghari na ang dilim sa buong kwarto. Ngunit binuksan ni Marco ang isang lamp shade dahilan para may mumunting liwanag na sa loob. Hindi ako gumalaw kahit man lang kaunti pero nag-uunahan naman sa pagpatak ang mga luha ko. Humahapdi at namimigat na nga ang mga ito dahil kanina ko pa iyon ginagawa. Naramdaman ko ang pr