KABANATA 17: HINDI na ako bumaba matapos ng lunch. Okupado ang isip ko sa mga narinig at aminado akong natakot ako at big deal sa akin iyong mga nalaman ko. Na masamang tao talaga siya. Kung wala lang sa kanya ang gumawa ng masama. Ano na lang ang patayin ako at ang pamilya ko kung hindi ako susunod 'di ba? Sobrang dali lang talaga para sa kanyang gawin 'yon. Kahit na may gusto siya sa akin. Inamin naman niya 'yon. Parang malabo na yatang magbago ang tulad niya na namuhay na ng ganoon ng ilang dekada. Wala pa siya ay involve na ang family niya sa illegal activities. Kaya imposible iyong mangyari na titigilan niya iyong maling gawain. Mabilis kong pinikit ang mga mata ng marinig ang pagbukas ng pinto. I pretend to sleep. Habang tumatagal ako na kasama sila dito mas lalo akong kinakabahan