KABANATA 30: PALA-ISIPAN sa akin kung ano iyong binitiwang salita ni Loela. Kung sino ba iyong Columbian na sinasabi niya na siyang dahilan kaya ngayon pinakasalan ako at gusto pang anakan ni Marco. I want to know but Loela is right. I don't have the guts to ask Marco about it. "Does it matter? I'm happy now, with him. Ano man ang dahilan ng pamilya niyo... o ni Marco. Mahal ko na siya. Aren't you happy? Mahal ko ang pinsan mo pero bakit parang galit ka pa?" She smirked. "I don't trust anyone except my family," aniya sabay tayo nito at balak na kong iwan. "You trust Stefan kahit hindi mo siya pamilya. Inviting him to your party means you trust him. Anong mahirap sa bigyan ako ng katiting na tiwala samantalang asawa na ako ng pinsan mo?" I asked. Binaling ko ng tingin sa tsaa at kinu