KABANATA 15: TAHIMIK lang ako habang kumakain kami sa balcony kahit na panay ang sulyap sa akin ni Marco. Natigil lang ng may tumawag sa cellphone nito. "Excuse me. I need to take this call..." aniya. Tiningala ko siya at muling binagsak ang mata sa kinakain. Wala akong sinabi at umalis na din naman siya agad sa harap ko. I took my hot chocolate while looking outside. Wala ka ng makikita kundi bermuda grass at langit. Sumandal ako sa upuan habang naka-crossed legs. I am now wearing a yellow wrapped around dress na hanggang sa sakong ng aking paa. Hirap pa akong maligo kanina. Pasalamat lang ako at hindi ako kinulit ni Marco. Siguro solve na siya kagabi kaya ganoon. "What were you thinking?" Napabaling ako sa kanya na papa-upo ng muli. Ibinaba ko ang iniinom na hot chocolate. "Are