KABANATA 44: SINUNOD ko ‘yong gusto niya na i-block si Gregory sa social media. Useless naman for me dahil wala na kong plano na magkaroon ng social media accounts. Masyadong toxic para sa akin lalo na sariwa pa ang issue. I stop myself from reading news in the Philippines. Pinaubaya ko na kay Marco ang tungkol doon. Pangit man na hindi kami makauwi dahil sa issue tungkol sa pamemeke ng pagkamatay ko at panloloko kay Gregory. Wala din na talaga akong balak dahil hiyang-hiya ako. I know for sure na matindi ang pamba-bash sa akin sa social media. Even sa mga tabloids nandoon din ako. I felt relieved lang na nasa tabi ko si Marco. Kaya until now, at peace ako. Walang media na gumugulo sa akin dahil bago pa makaabot sa akin. Naharang na nila. Isa pa, milya-milya ang layo ko sa Pinas. Ma