KABANATA 1

1003 Words
  KABANATA 1:         NAGMAMADALI ako habang kinukuha na ang bag kong nasa table. Katatapos lang ng taping at halos maiwan ko ang P.A ko na nagaayos pa ng gamit ko sa tent. Gregory is waiting for me. Pagkatawag pa lang niya sa akin at sinabing nandito siya ay hindi na ko mapakali.     It's our second anniversary. Ang akala ko talaga wala siyang plano. Akala ko wala siyang oras at hindi kami makakapag-date dahil abala ito sa trabaho. Gregory Reyes is a Surgeon Doctor. Siya din ang fiancee ko.       "Magkita na lang tayo sa bahay, Betty!" sabi ko sa aking P.A. Wala na itong nagawa kundi tanawin na lang akong naglakad palabas sa tent. Halos magkandahaba-haba ang aking leeg para lang makita ang sasakyan ni Gregory.      "Greta! Pa-picture po!"     "Greta! Ang ganda-ganda mo!"     "Tingin ka naman dito! Isa lang po!"       Maraming tao ngayon sa location dahil nga may mga artista. Mga fans na kanina pa nanunuod doon. Kumuway lang ako at ngumiti sa kanila habang naglalakad. May mga guards din kasing nagbabantay sa akin at hinaharangan ang ilang fans. Kung hihinto ako at pagbibigyan sila ay dadagsain ulit nila ko para sa mga pictures at yakap hanggang sa na-late na kami ni Gregory.     Sinabayan ako ng lakad ng ilang guards. Nasa parking lot kami at panay ang pasada ng aking tingin sa buong paligid. Hanggang sa nakita ko na ang pamilyar na sasakyan ni Gregory. Mabilis na nagliwanag ang aking mukha. Nagmamadali akong lumapit at binuksan agad ang passenger seat.      Gregory chuckled. Napaawang ang bibig ko sa bitbit nitong bouquet ng rosas.      "Wow! Hindi mo talaga 'to pinaghandaan ano? Sabi mo marami kang pasenyte ngayon?" Nanliliit ang aking mga mata pero hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi.     Natawa lang ito habang inaabot niya sa akin ang mga bulaklak.     "It's a prank, honey. Kununin mo muna 'to para makaalis na tayo. Baka katukin pa tayo ng mga fans mo," anito sabay tawa.     Mabilis kong kinuha ang bulaklak sa kanya. Napatingin pa ko sa likod dahil may mga bulaklak din doon.     "Oh my god! Pinakyaw mo ata lahat ng bulaklak sa flower shop!" biro ko sa kanya. Ngumisi lang ito habang nagsisimula ng magmaneho.     Hindi matanggal ang ngisi ko. Ang lungkot ko pa naman kanina kasi akala ko walang ganap ngayon. Naka-ilang take ako sa eksena ko kanina dahil okupado ni Gregory ang utak ko. Naiinis kasi ako talaga. Minsan sa isang taon lang ito pero hindi niya pa ko maisingit sa trabaho niya. Alam nila sa set na kapag nakatatlong take na ko. Ibig sabihin ay lumilipad ang isip ko.     Hindi ko naman masabi sa kanila kung bakit dahil mas gusto kong pribadoa ng relasyon namin ni Gregory. Mahalaga siya sa akin kaya iniingatan ko ang relasyon na mayroon kami. Magulo sa showbiz. Hindi siya sanay kaya kung alam ng lahat ang tungkol sa amin. Pati buhay niya ay uungkatin na din. Lahat ng lakad ng nito ay may nakasunod na din.       Kaya kapag sinusundo niya ako ay hindi ito lumalabas sa sasakyan. Ang sinsabi ko palagi sa mga kasamahan ko ay pinsan ko ang sumusundo sa akin. May ilan kasing kapwa artista ang gusto akong ihatid. Of crouse, kailangan ng alibi.      "Hindi naman. We need to hurry. I booked a dinner at Hyatt City of Dreams. Kailangan kitang i-uwi sa bahay ng parents mo bago mag alas-otso." Ngumiti ito sa akin bago binalik ang tingin sa daan.     I just smiled. Gregory is the right man for me. Noon, nagagalit na ko kila Mommy and Daddy dahil palagi na lang silang may komento sa lahat ng lalaking nanliligaw sa akin. Walang pumapasa. Nagagalit man ako ay wala din akong magawa. Their comment really matters for me.      Sino ako ngayon kung wala sila? I love my parents. Siguro talagang naghihigpit lang sila kasi isa lang akong anak. Ayaw nila akong masaktan o hindi kaya mapunta sa lalaking walang kwenta. Iyong walang alam gawin kundi paiyakin lang ako o di kaya alam nilang mamomroblema lang ako.     Mas higit nila iyong alam dahil matanda na sila at marami ng karanasan sa mundo. Kung noon, nagdadamdam ako. Ngayon, mas higit kong naintindihan sila at masaya akong natagpuan ko si Gregory. Siya lang ang bukod tanging pumasa sa lahat ng manliligaw ko. Hindi ako nagsisisi na sinunod ko sila Mommy. Tama nga sila.     Huwag akong magmadali at may tamang lalaki ang nagaantay at nababagay sa akin.     Humahanga ako sa takbo ng relasyon namin. Sa loob ng dalawang taon, hindi pumalya si Gregory na iparamdam sa akin ana nire-respeto niya ako. Hindi man maniniwala ang iba kung iku-kwento ko ito pero hindi ko pa naranasan na mahalikan niya.     Kung sa trabaho lang andami ko ng nahalikan pero syempre mga walang malisya. Ngayon na may fiancee na ako. Tsaka naman walang ganoong pangyayari. Nilinaw na sa akin ito ni Gregory. We can hold hands. We can hug each other. But we can't kiss.     Iniiwas niya ang sarili sa temptasyon. Kung gagawin namin iyon ay magsisimula iyon ng spark. Hanggang sa hindi na namin matigilan. Hanggang sa hahanap-hanapin na ng sistema namin iyong ganoon.     Talagang namangha ako kung paano niya sa akin iyon ipinaliwanag. Ang galing lang na tama ang pagkilatis ng mga magulang ko sa tulad niya. Gregory is a Christian. Aktibo sa simbahan at dahil nga doon ay nagbibigay siya ng libreng konsultasyon at gamot sa mga mahihirap.     Sobra akong proud sa kanya bilang Fiancee nito. Hindi ko man siya maipagmalaki ng lantaran sa lahat. Alam ni Gregory kung gaano ako ka-proud sa kanya. Hindi lang sa achievements niya kundi sa kung anong klaseng lalaki ang napili ko na magiging asawa at makakasama ko habang buhay.     A few months from now, isa na akong Mrs. Reyes. Everything goes well according to our plan. Sa susunod na linggo ang official engagement naming dalawa. Few friends and family lang ang imbitado. Alam na din ito ng manager ko at mga boss ko. Sila lang ang tanging nakaka-alam. Pagkatapos ng engagement namin ni Gregory. Makikilala na siya bilang aking kapareha sa tunay na buhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD