"Oh ayan, korean restaurant. Mabuti pa bumaba na tayo muna dito Babe para makapag-almusal tayo, kain muna tayo medyo nagugutom na din ako eh. Gusto mo sangyupsal tayo?" tanong niya dito. "Oh, akala ko ba alas nuebe ang appointment ninyo sa doktor Ay bakit nag-aaya ka ng sangyupsal? Papaano kung ma-late kayo abir? Kaya hayaan mo na yan mamaya nalang pagkatapos ng appointment ninyo ano ka ba," wika nito. "Okay lang iyon, anong oras pa lang naman eh. Tsaka malapit lang naman iyong hospital kaya tara na. Alam mo namang miss na miss ko nang gawin ito na kasabay ka diba. Ikaw lang ang nagturo sakin na kumain ng mga ganito eh, tsaka ikaw lang ang palagi kong kasama noon, tayong dalawa lang kaya nong di ka makaalala. Never ako pumasok sa ganito kasi maaalala lang kita. Basta promise ko, hindi

