Gulat na gulat siya sa nabasa at binalingan niya si Amir at halos mapanganga siya ng makitang nakaluhod ito sa kanyang harapan iniabot nito ang isang bouquet ng white roses sa kanya at sumunod nitong kinuha sa bulsa nito ang isang jewelry box. Doon pumailanlang sa paligid ang kantang I WILL ALWAYS LOVE YOU by: Michael Johnson "B-Babe?" patanong na tawag niya dito pero pumiyok na ang kanyang boses dahil sa ligayang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon hindi niya akalain na ito ang sasalubong sa kanya dito sa pupuntahan nila at never man lang na sumagi sa isip niya na may pa ganito si Amir sa kanya. "Pasaway, seryoso ba, hindi ka ba nagbibiro?" mangiyak- ngiyak na tanong niya dito. "Biro pa ba ang tawag mo dito, totoo na ito mahal." nakangiting wika nito sa kanya sabay bukas ng jewelr

