"Diyos ko! Daddyyyy!" malakas na sigaw niya. "Julyoooo!" sigaw naman ng kanyang Mommy. Mabilis niyang tinakbo ang pintuan na kinaroroonan ng kanyang Daddy, lumabas doon para tingnan si Amir at gulat na gulat siya ng makita. Ang kanyang Ninong Amir duguan at may bumubulwak na dugo mula sa dibdib nito. "Babe! Diyos ko! Ninong kooooo!" Hiyaw niya tsaka mabilis na nilapitan ito. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng mapansin na may tama ito ng baril sa ibabang bahagi ng kaliwang dibdib nito. Akmang yayakapin ito pero biglang umubo at may lumabas na dugo mula sa bibig nito nito. "Mommyy! Daddy! Parang awa niyo na tulungan niyo si Ninong! Tumawag po kayo ng ambulansya! Ayokong mamatay s'ya parang awa mo na po Daddy!" umiiyak na pakiusap niya sa mga ito. Napansin niya ang kanyang Daddy

