Chapter 144

2063 Words

Agad na sumungaw ang luha sa mga mata ni Amir ng pumailanlang ang awitin na The Gift by Jim Brickman. Halo-halo ang emosyong kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon hindi niya inaalis ang kanyang paningin sa kanyang napakagandang bride na noon ay nakatayo sa may bukana ng simbahan. Parang invisible ang lahat ng mga nasa unahan nito magmula sa ring bearer, flowergirl, sa mga ninong at ninang at sa mga abay at iba pang kalahok sa selebrasyon na iyon ng kanilang pag-iisang dibdib basta nakatutok lang ang kanyang mga mata sa napakaganda niyang bride. Na tiyak niyang na nakatitig din kanya. Kahit na medyo malayo, ramdam na ramdam niya ang init ng pagmamahal nito dahil magkahinang ang kani-kanilang mga mata. Nagsimula na ang mga itong maglakad, nauna na ang mga kalahok syempre huli ang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD