Kaya naman naisip niya na mukhang Kailangan niya talaga itong bigyan ng leksyon. Sumusobra na ang babae dami na nitong atraso sa kanya kaya kailangan ng masamplelan. Matapos ang pag-uusap na iyon ay bumalik na siya sa kanilang silid paaralan pero sa kanyang isipan ay binabalak na niya na ireklamo si Myra dahil sobra-sobra na ang perwisyong ginawa nito sa kanya. Kaya tatawagan muna niya ang kanyang Mommy para magpasama dito at makiusap sa kanyang Daddy na ito muna ang magbantay sa kanyang Ninong Amir dahil kailangan talaga niyang mabigyan ng leksyon ang babaeng pasaway na iyon. Hindi na nasiyahan sa ginawa nitong pagpapaviral ng video nila pati na ang perwisyong ginawa nito sa kanya na pati na ang pambu-bully nito na hindi niya pinapatulan. At hindi pa nasiyahan ang pasaway na ito dahil

