"Ano ba?! Bakit ka ba tawag ng tawag hayop ka! Kaya pa minalas ako sa sugal hayop na to! Ano bang problema mo?! Kung wala kang perang ibibigay sa'kin tigilan mo ako dahil pati ako minamalas! Nadadamay ako sa kamalasan mo!" Galit na galit na wika ng lalaki na kausap ni Faye sa kabilang linya. "Wag mo nang pairalin ang init ng ulo mo hayop ka, may malaki tayong problema! Mukhang mabubulilyaso tayo sa plano!" galit na wika dito ni Faye. "Bakit ba? Ano nanaman bang problema mo?! Hayss hindi ka na nawawalan ng problema pati ako nadadamay tangina!" Galit na galit na naman na wika nito. Sobrang tagal niya sa pilahan ng jeep kanina pero hindi pa rin ito na contact hanggang sa makauwi na siya ng bahay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya nasa bahay na siya saka nito sinagot ngunit galit

