Dahil sumang-ayon si Amaya sa nais ng kanyang Ninong Amir minabuti niyang hiramin ang cellphone nito at tinawagan niya ang number ni Monica para sabihin dito kung nasaan siya huwag na ang mga ito ng mag-alala. Sinabi din niya na hindi siya makakabalik. Uuwi na lamang siya sa kanila dahil may emergency lang. Pati sa Ryan ay kinausap din siya at humingi na lamang siya ng pasensya dito pati na sa mga magulang nito dahil sa totoo lang kabastusan naman talaga iyong bigla na lamang siyang umalis ng wala man lang paalam sa mga ito. Pasaway kasi ang kanyang Ninong Amir. Matapos niyang tumawag kay Monica ay ibinalik na niya ang cellphone sa kanyang Ninong at katulad ng napag-usapan nila umakto sila na tila normal na magkasintahan. Kumain ulit sila sa resto na dati nilang kinainan noong una sil

