Pagkalabas nila ng kanilang campus, dumiretso na siya sa kinauukulan hindi na niya inabala ang kanyang Mommy kundi ang kanyang mga kaibigan na lamang ang inaya niya. Hindi kasi niya pwedeng hayaan na lamang ang ganoong pag-uugali ni Myra kahit na classmate niya ito dapat mabigyan niya ito ng leksyon. Para magtanda at hindi na tularan pa ng iba. Ang pag-upload ng mga video sa social media na walang pahintulot ng mismong may-ari ng video or ng picture ay maituturing ng krimen. Hinihintay lang sana ng mag-sorry sa kanya si Myra ngunit hindi nito magawa at nagawa pa nitong ireport siya sa principal's office o kaya naman kailangan niyang bigyan ito ng leksyon ngayon para hindi na ito uulitin pa sa ibang tao. Pagkagaling nila sa ahensya na maaring makatulong sa kanya ay minabuti nilang magtun

