Samantala "Oh Babe! Anong ginagawa mo dito?! Hindi bat may pasok ka? Na-miss mo agad ako no?" Wika ni Amir ng makita sa may gate si Amaya. Hindi ito nakasuot ng uniform kaya natitiyak niya na hindi ito papasok sa school. Hindi maitago ang kasiyahan nito sa mukha at gano'n din siya ng masilayan ito. Kagabi kasi pag-uwi niya, gustong-gusto sana niya ditong mag good night kiss manlang kaya lang ang kaniyang kumare ay talagang sumama pa sa labas para ihatid siya ng tanaw. Kaya naman nainis tuloy siya ng wala sa oras dito. Nahahalata naman iyon ni Amaya kaya pansin niya na tila natatawa ito pero pinipigilan lang nito. Talagang tuwang- tuwa pa ito na naiinis siya. "Kapal hindi kita na-miss no! Sasama kasi ako sayo para may body guard ka!" malawak ang pagkakangiti na turan nito. "Aray sakit

