"So dapat friday night nasa bahay niyo na kami kasi doon tayo magmumula?" tanong ni Monica kay Amaya. Nasa school canteen sila ng mga sandaling iyon, kumakain ng meryenda. Kinakausap niya ang mga ito na dapat friday ng gabi doon na ang mga ito matutulog sa bahay nila kasi madaling araw ng saturday ang alis nila patungo sa private resort ng kanyang Ninong. "Ay gusto ko yan, gusto ko lang maranasan na matulog sa bahay nina Amaya. Okay lang ba sa kwarto mo kami matulog? Gustong-gusto ko kasi ang ambiance ng kwarto mo parang napakasarap matulog doon." si Amelia naman ang nagsalita. "Oo naman no problem doon tayong mga girls sa kwarto ko at sa guestroom naman iyong mga boys. Tsaka si Mommy na rin naman ang nagsabi na gano'n nga ang set-up natin doon kasi kailangan nating maaga. Diba alam ni

