"Oh okay na ba ang lahat naisakay na ba bang lahat ng mga dadalhin natin?" tanong ng Daddy ni Amaya dahil ito ang magda-drive ng van ng kanyang Ninong Amir at ang kanyang Ninong naman ay dadalhin ang kotse nito dahil kasama pala nito ang girlfriend nitong si Faye. Naiirita talaga siya kapag nakikita niya ang mukha nang babaeng ito pero mabait naman ngayon kasi hindi siya tinatarayan at parang friendly ito kung makipag-usap sa kanya ngayon. Nakasakay na ang kanyang mga kaibigan kasama ang kanyang boyfriend pati na ang kanyang Mommy, si Nanay Meling at ang kanyang Daddy naman ang driver. Siya naman ay sasakay na rin sa van pero ewan ba niya at bigla siyang pumihit isinara niya ang pintuan ng van. "Dad, Mom, kay Ninong po ako sasabay. Mauna na po kayo!" wika niya reklamo naman ang kany

