Halos tatlong araw din silang nanatili sa Manila pasyal dito pasyal doon, shopping dito shopping doon, kain dito kain doon. Talagang sinulit nila ang tatlong araw na pagbabakasyon nila. Syempre hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makapag simba siya sa isa sa mga sikat na simbahan sa Manila na pangarap niyang mapuntahan. Iyon ay ang Baclaran Church may isa kasi siyang classmate na palaging kinikwento ang lugar na iyon dahil ilang beses na daw ang mga itong nakapunta doon. Siya kasi talagang nasa bahay lamang, sa bahay ng Ninong Amir niya, sa kanilang bahay at sa school. Hindi niya naranasan iyong gumala o pumunta ng ibang lugar dahil laging busy ang kanyang Mommy. Tanging ang kanyang Ninong Amir nga lang ang minsan nag tyatyaga na igala siya. Tuwang-tuwa siya nang makapunta sa Bacla

