"A-Amir! Amirrrrrr!" malakas na sigaw ni Amaya. Narinig naman iyon ni Amir na noon ay abala sa pagluluto ng ulam nila para sa tanghalian. Dali-dali niyang pinatay ang apoy ng kanyang niluluto dahil luto na rin naman iyon tsaka mabilis na nagtungo sa sala kung saan naroroon si Amaya na noon ay kabuwanan na. Sa loob ng ilang buwan nilang pagsasama ng kanyang mahal ay masasabi niyang sobrang ligaya nilang dalawa. Ramdam na ramdam niya kung gaano siya kamahal ni Amaya At siyempre siya naman ay pinaparamdam din dito na mahal niya ito. Kahit ito ay buntis na, nagpatuloy pa rin ito sa pag-aaral pero tamang-tama naman na 2 months bago ang kabuwanan nito ay bakasyon na. Kaya naman hindi na nila problema ang panganganak nito tsaka napag-usapan din nila pati na ang mga magulang nito na after 1 y

