Kabanata 44

1168 Words

Kabanata 44 “Ikaw ang pag-aalayan ko...” naisambit ko. Isa pa ito sa bumabagabag sa akin at ngayon ay nasagot na lahat, pakiramdam ko'y nabunutan ako ng napakalaking pasanin sa aking dibdib. Ilang araw ko ring hinanap ang mga sagot sa totoong pagkatao ko, maging ang sa kanila. Hinawakan nito ang aking baba at masuyong hinaplos ang aking pisngi na basang-basa pa ng mga luha ko. “Binuhay ka para sa akin...” sa wakas ay wika nito. Buong senaryo itong tahimik lang kanina habang nakamasid sa akin. Napalunok ako dahil kanina pa nanunuyot ang aking lalamunan. “Kaya ba kakaiba ako dahil sa kanya?” tukoy ko sa aking ina. Napatango ito at hinapit ako sa aking baywang. “Kay tagal ko ring hinantay na umayon ang pisikal mong anyo sa edad na bente uno.” Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD