IPINASARA nila ang restaurant nila Aryanda ngayong araw para sa selebrasyon ng mga staffs at waitress niya na nagtapos kahapon. Naisip niya at ng kaniyang Kuya Bernard na pasalamatan ang mga ito sa isang simpleng paraan. Lahat ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga ito ay ipinaimbita niya para sa isang salo-salo. Kumakain sila ng pananghalian nang mapansin ni Aryanda na wala si Veron, hindi ito dumating. Nilapitan niya ang mga kaibigan nito. "Vixen, si Veron nasaan? May selebrasyon ba sa kanila?" tanong niya rito. "Ay, Ma'am Aryanda. Nasabi sa amin ni Veron na may appointment daw siya ngayon kay Sir Zachary. Naroon na malamang iyon sa building ng Sanctuary Hotel dahil sa trabaho. Ako hindi ko gustong magtrabaho roon," sabi ni Vixen. "Mabuti naman at habang maaga pa ay naghahanap na s