MAAGANG nagising si Zachary habang tulog na tulog pa si Aryanda. Naisipan niyang ipaghanda ng breakfast ang dalaga. Bumaba siya sa kama na walang saplot sa katawan na kahit ano. Dumiretso siya sa shower room at binuksan iyon. Itinutok niya ang mukha sa shower at saka pumikit habang nakatukod ang magkabilang kamay sa pader. Gusto na niyang magtapat kay Aryanda tungkol sa kasunduan nila ni Mr. Gao pero paano niya iyon gagawin. Tiyak na masasaktan na naman ito sa gagawin niya. Mariing pumikit si Zachary at malalim na bumuga ng hangin. Siguro sa ngayon ay hahayaan muna niyang maging masaya si Aryanda bago niya ipagtapat dito ang totoo. Lumabas siya ng shower room at binalot ng pulang tuwalya ang bewang at saka kumuha ng isang puting tuwalya para ipatong sa basa niyang buhok. Tinungo niya