NAGULAT si Bernard nang sipain ni Zachary ang gulong ng kotse nito na sinasandalan niya. Wala pang sampung minuto itong pumasok sa Guiller Steels ay bigla itong lumabas at ngayon ay galit na galit na naman. At tingin niya mukhang kailangan niya na namang ipagawa ang kotse o hindi kaya ay bumili ng bagong kotse kapag napuruhan ang kotse nito. Katulad ng dati ay hinahayaan lamang niya itong ibuhos ang galit sa mga bagay na nakikita nito at pakalat-kalat. Sanay na sanay na siya sa ugali ng boss niya. Tatlong taon na niya itong nakakasama at alam na rin niya kung paano ito kumakalma at kung paano ito magalit nang husto. At nakakatakot kung paano ito magalit wala itong pakialam kahit na makapatay na ito ng tao. "Damn!" malakas nitong mura. Dumistansya siya nang sipain nito ang hood ng kotse.